Sanaysay Tungkol sa Bullying
Sa buhay ng tao, hindi mawawala ang mga taong gusto gawin miserable ang buhay mo. Bakit nga ba may mga bully? Anung sanhi kung bakit sila nambubully?
Sa aking opinyon, ito ang mga kategorya ng mga bully at dahilan kung bakit sila nambubully.
1. The Avengers- Sila ay binully noon at gusto ibalik sa kapwa ang mga mapapait nilang naranasan. Sila ay dating naapi pero naging palaban, kaso, sa maling paraan.
2. The Family Planning- Sila ay may malaking problema sa bahay, kalimitan tungkol sa pamilya.
3. The Abused Child -Sila ay inaabuso o inabuso (pisikal o emosyonal) ng kanilang mga magulang. Dapat sila bigyan ng matinding pagmamahal at counseling upang maiwasan na sila ay maging bully.
4. Mean Girls- Sila ay sikat sa pagpapahirap sa iyo, babae man o lalaki. Ginagawa ka nilang katatawanan. Kalimitan ito ay ang rich people o mga feeling rich na selfie ng selfie sa Starbucks upang maipost sa FB, Twitter o Instagram nila.
5. The Security Guards- Sila ay parating napupuna o nangiinsulto sa halos lahat ng gawin mo. Mas alam pa nila ang mga ginagawa mo kesa sa iyong sarili. Parati itong nakabantay sa mga kilos mo. Kalimitan ang dahilan ng mga ito ay dahil insecure sila sa sarili nila. Mababa din ang self-esteem ng mga taong ito.
©Katherine Bea Romero
Ang pinakamagandang paraan para hindi ka nila maapektuhan ay wag sila pansinin. Pero may mga oras na kahit anung iwas mo sakanila, hindi ka nila tatantanan. Ang pinakamagandang gawin ay isumbong ito sa iyong magulang, teacher, guidance counselor kung ika'y bata o teenager pa lamang, at kung ika'y nagtatrabaho na, isumbong mo ito sa supervisor, boss, o manager mo kung talagang naabala ka na sakanila.
Wag magpaapekto o gumanti sa mga taong ito. Ang pagkitil ng iyong buhay ay isang paraan na pinakita mo sakanila na nanalo sila. Mahalaga ang buhay na ibinigay sa iyo ng Diyos. Alam mo ba ang pinakamagandang ganti sa mga taong ito? Magpursige ka sa iyong pag-aaral o trabaho, lamangan sila, at pagkakita nila sa iyo sa hinaharap, Wow! Isa ka ng dalubhasang doktor o isa ka na sa pinakamagaling na abogado sa Pilipinas.
©Katherine Bea Romero